Sunday, 16 February 2020

UMALINGASAW ANG BAHO | Pang AABUSO ng ABS-CBN , Isiniwalat ng dati nilang mga Empleyado!




LIKE US ON FACEBOOK





Matapos maging laman ng mga balita ang paghain ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court ng quo warranto petition laban sa prangkisa ng ABS-CBN dahil umano sa mga pang-aabuso ng media network, ilang dating manggagawa sa kumpanya ang nagsasalita ngayon ukol sa anti-labor practice diumano ng istasyon.

Nitong nakaraang araw ay nagpost na sa social media ang mga dating trabahador ng ABS-CBN sina Christopher Mendoza at John Paul Panizales ng kanilang masamang karanasan sa media giant.

Kamakailan naman ay nagsalita sa isang congress hearing ang dating cameraman ng ABS-CBN na si Journalie Payonan. Ayon kay Payonan, inisa-isa daw silang tinanggal ng kumpanya. Ang iba pa nga raw sa kanila ay pinakain pa ng masarap na pagkain para lang sabihin na tanggal na ito sa trabaho. Mabaliw-baliw daw ang iba niyang kasamahan dahil inakala na promotion ang ibibigay. Base sa naging salaysay ni Payonan sa kongreso, naging cameraman siya sa ABS-CBN mula pa noong 1996. Naipadala na rin daw siya sa mapapanganib na lugar tulad ng Basilan para mag-cover. At kahit daw mapanganib ang trabaho ay 14,000 pesos lang diumano ang ibinibigay na suweldo sa kanya.



“Magpapasko po iyon noong tinanggal kami sa trabaho. So sabi nga ni Gabby Lopez (ABS-CBN boss) sa chat with the Chairman, ‘Pag hindi kayo pumirma dito, asahan niyo na wala na kayong trabaho’. Ang masakit pa ho nito, ang iba kasamahan namin ay pinatawag sa 4 na hotel, pinakain ng masarap, may security guard, para lang sabihin na wala ka ng trabaho. ‘Yung iba halos mabaliw kasi akala nila promotion,”
sabi ng dating cameraman ng ABS-CBN.

At kahit ganun daw ang nangyari ay hindi daw “nilaglag” ni Payonan at ng mga kasamahan niya ang mga programa ng ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment