LIKE US ON FACEBOOK
Matindi umano ang pagla-lobby sa Kongreso ng maimpluwensiyang religious group na Iglesia ni Cristo (INC) upang harangin ang franchise renewal ng ABS-CBN.
Ayon sa ulat ng online website na Politiko noong February 4, nakipagkita raw kamakailan ang mga matataas na pinuno ng INC sa ilang opisyal ng Kongreso.
Dito ay inihayag umano ng INC ang pagtutol nito sa nakaambang pagtalakay at pagbigay ng bagong prangkisa sa Kapamilya network.
Nakatakdang mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa darating na March 30, 2020.
Ayon sa Congress insider ng nasabing website, hindi raw nagustuhan ng INC ang coverage ng ABS-CBN noong may tensiyon sa pagitan ng mga namumuno ng INC, na nagdulot daw ng dungis sa kanilang sekta.
Taong 2015, nasangkot sa kontrobersiya ang INC dahil sa diumano'y pag-aaklas ng ilang miyembro laban sa mga namamahala ng kanilang organisasyon.
Sangkot sa kontrobersiya si INC Executive Minister Eduardo Manalo, sarili nitong ina na si Cristina “Tenny” Manalo, at kapatid na si Felix Nathaniel “Angel” Manalo.
Nag-ugat ito sa kumalat na video ni Ka Angel at voice recording ni Ka Tenny na humihingi ng tulong, dahil diumano’y nanganganib ang buhay nilang mag-ina at mayroong na-abduct nang INC minister.
Naiulat din noon sa ilang pahayagan at online news sites ang pagkuwestiyon ni Ka Angel sa paggamit ng P7.8-billion na pera ng sekta para sa itinayong Philippine Arena, na matatagpuan sa loob ng 50-hectare Ciudad De Victoria property ng INC, sa Bocaue, Bulacan.
Tinanggal ni Ka Eduardo sa INC sina Ka Tenny at Ka Angel sa rekomendasyon daw ng “Sanggunian,” matapos diumano ng pagpapasimuno nila ng hindi pagkakaintindihan sa grupo.
Dagdag pa sa ulat ng nasabing website, hindi raw nagustuhan ng “Sanggunian” ng INC ang pag-handle ng ABS-CBN coverage ng girian ng mga Manalo.
Kilala ang INC sa bloc voting tuwing eleksiyon kaya maraming mga pulitiko at personalidad ang lumalapit sa kanila upang magpa-endorse.
May halos tatlong milyong miyembro ang INC sa buong mundo.
wow ha.. who ever write this fake news mag iisip isip kna baka makasuhan ka...
ReplyDeletenever nakialam ang INC sa usapin ng closure ng abs-cbn.