Saturday, 15 February 2020

‘Ganyan ba ang Kapamilya? Walang-awa kaming Inalisan ng Kabuhayan!’ – Former ABS-CBN Employee


Dahil sa isyu ng paghahain ng Quo Warranto petition laban sa prangkisa ng ABS-CBN ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga dating empleyado ng kumpanya na ikuwento ang tungkol sa ginawa sa kanila ng network giant noong 2010.

Nag-viral kamakailan lang ang social media post ng dating nagtrabaho sa ABS-CBN na si Christopher Mendoza. Kinuwestiyon ni Mendoza ang mga artista ngayon na pilit isinasangkalan ang mga manggagawa para maisalaba ang media outlet. Banat ni Mendoza, ano ang pinagkaiba nila sa mga manggagawa ngayon. Sila nga daw ay biglang tinanggal ng ABS-CBN.


Matapos ang pagsisiwalat ni Mendoza ay nagsalita na rin ang isa pang dating empleyado ng ABS-CBN na si John Paul Panizales. Ayon kay Panizales, isa siya sa mga nakiisa sa kilos-protesta na inorganisa ng ABS-CBN Internal Job Market (IJM) Workers Union para ireklamo ang labor practice na ginagawa ng media giant sa mga empleyado nito.

Sinabi ni Panizales na hindi niya naramdaman na isa siyang kapamilya. May pagkakataon daw na sa pagtatrabaho niya sa ABS-CBN ay muntik na daw siyang pumanaw pero tinanggal daw siya ng kumpanya.

“Isa ako sa mga empleyado na walang awang inalisan ng kabuhayan ng network na nagsasabing Kapamilya sila! Bakit hindi nila kami tinuring na Kapamilya nung panahon na yun? Isa ako sa mga tumayo sa kalsada sa harap ng kumpanya nila para ipaglaban ang aming mga karapatan bilang manggagawa! Pinakinggan ba kami?????? HINDI!!!!! Kahit isang TV Network noon walang pumansin sa mga hinaing at paghingi namin ng tulong! Kasi pare-parehas silang may mga bahong itinatago… 10 taon ako nagsilbi sa network na yan! In fact, muntik pa ako mamatay dahil naaksidente kami pagkagaling sa isang taping! 10 taon na serbisyo, pero wala pang isang oras basta na lang inalis ang access namin makapasok sa loob. In fairness, sinalo kami ng TV5 noon at sa tulong at awa ng Diyos, nagkaron kami ulit ng buhay!”
sabi ni Panizales.

No comments:

Post a Comment