LIKE US ON FACEBOOK
Nagpahapyaw si Buhay Party-List Rep. Lito Atienza na palitan ang liderato ng kongreso dahil hindi pa rin dinidinig ng kapulungan ang legislative franchise ng ABS-CBN.
“I don’t know what Speaker Cayetano is waiting for, the President has already admonished him… If he doesn’t follow the President, then the thing will speak for itself. Maybe we should have a new Speaker… Without knowing it, maybe he is destroying the institution of the Lower House now especially on the eve of our restoring it to full existence,” sabi ni Atienza.
Matatandaang ilang beses nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kanyang haharangin ang franchise renewal ng ABS-CBN. Isa samga dahilan ng Pangulo ay ang hindi pagpapalabas ng ABS-CBN ng kanyang campaign ads noong 2016 elections kahit daw na tinanggap ng media outlet ang kanyang bayad.
“Ang inyong franchise mag-end next year [Your franchise will end next year]. If you are expecting na ma-renew ‘yan [a renewal], I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out… Ang ABS-CBN, ‘yung bunganga ng inyong interes, they protect you…Kayo ngayon, mag-renew kayo ng contract? Ilan kayong mga senador ngayon na nagbayad sa inyo na hindi ninyo pinalabas yung kanila?… Unang nilabas ninyo ‘yung kay Trillanes ‘yung using the children of a propaganda…. Tinanggap ninyo ang ₱2 million ko, ni wala…Hindi lang ako ‘yung na-ganoon, Chiz Escudero, marami. Lahat sa Congress,” sabi ni Pangulong Duterte noong Disyembre 2019.
Ayon kay Atienza, kinausap daw ng liderato ng kongreso ang ilang kongresista na bawiin ang kanilang mga pirma para talakayin ang panukalang batas para sa prangkisa ng ABS-CBN.
“They’re moving heaven and earth to ask those 90 to withdraw. That’s another insidious, self-destructing measure… How can the Speaker be talking to the members to withdraw their signatures?” dagdag pa ni Atienza.
Ang anak ni Cong. Atienza na si Kim ay nagtatrabaho sa ABS-CBN.
No comments:
Post a Comment