Sunday, 23 February 2020

4,401 lang ang Empleyado ng ABS-CBN, Hindi 11,000, ayon sa BIR!



LIKE US ON FACEBOOK





Kamakailan lang ay ibinabalandra ng ABS-CBN ang 11,000 na trabahador nito na maaari daw paapektuhan ng kung hindi sila mabibigyan ng prangkisa.

Pero sa impormasyon na ipinadala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Office of the Solicitor general (SolGen), makikita na ang empleyado lang talaga ng ABS-CBN ay mas kaunti sa sinasabi nito.

Base sa liham kay SolGen Jose Calida, ang ABS-CBN Corp. at ABS-CBN Convergence Inc. ay mayroon lang na 4,401 na empleyado.

Sa dokumento ng BIR, makikita na 4,322 sa mga empleyado ay mula sa ABS-CBN Corp. habang ang 79 naman ay sa ABS-CBN Convergence.

Bukas ay magkakaroon ng pagdinig sa senado ukol sa prangkisa ng media giant at kasama si SolGen Calida sa mga inimbitahan.



Nitong Biyernes, nagtungo sa kalsada ang mga empleyado at artista ng ABS-CBN upang ipinawagan ang renewal ng prangkisa ng kumpanyang kanilang pinagtatrabahuan .

Ang prangkisa ng ABS-CBN namemeligro matapos maghain si Solicitor General Calida ng quo warranto petition sa Korte Suprema para ikansela ito. Ayon sa opisina ni SolGen Calida, may mga natuklasan silang pang-aabuso at paglabag na ginagawa umano ng kapamilya network.

“We want to put an end to what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN benefitting a greedy few at the expense of millions of its loyal subscribers. These practices have gone unnoticed or were disregarded for years,” pahayag ni Solicitor General Calida.

Ilang beses naman na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang pagpapalawig prangkisa ng kumpanya. Ilan sa mga binanggit na rason ng Presidente ay ang hindi pag-e-ere ng ABS-CBN ng kanyang patalastas para 2016 elections kahit na tinanggap daw ng media company ang perang ibinayad niya.

“Ang inyong franchise mag-end next year [Your franchise will end next year]. If you are expecting na ma-renew ‘yan [a renewal], I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out… Ang ABS-CBN, ‘yung bunganga ng inyong interes, they protect you…Kayo ngayon, mag-renew kayo ng contract? Ilan kayong mga senador ngayon na nagbayad sa inyo na hindi ninyo pinalabas yung kanila?… Unang nilabas ninyo ‘yung kay Trillanes ‘yung using the children of a propaganda…. Tinanggap ninyo ang ₱2 million ko, ni wala…Hindi lang ako ‘yung na-ganoon, Chiz Escudero, marami. Lahat sa Congress,” sabi ni Presidente Duterte noong huling bahagi ng 2019.

No comments:

Post a Comment