Thursday, 12 March 2020

Russia, Magbibigay sa Pinas ng Libreng Medisina laban sa Coronavirus.



LIKE US ON FACEBOOK





Sa isang press conference, inanunsyo ni Russian Ambassador Igor Anatolyevich Khovaev na handang magbigay ang kanyang bansa ng libreng gamot pangontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Piipinas. Ang naturang gamot ay gawa ng Pharmaceutical Company na Polisan.

Ang medisina ay nagamit na daw sa China, ang episentro ng codiv-19, at positibo naman daw ang resulta.

“They’re ready to supply a highly efficient Russian medicine, which is highly efficient for treating patients infected by coronavirus… It’s largely used in China, for example, and the results are very, very encouraging, are very positive,” sabi ni Ambassador Khovaev .





Ayon kay Khovaev, matagumpay din daw na nalabanan ng Russia ang pagkalat ng covid-19.

“It’s not a trade deal. It is a donation, a helping hand to our Filipino partners… It’s offered as a donation just to extend the hand of help to our Filipino partners, so now this offer is under consideration in Manila,” dagdag pa Ambassador Khovaev.

Habang isinusulat ang blog post na ito, nasa 7 pa lang daw ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Russia ayon sa World Health Organization. Ang mga kontaminadong mamamayan ng Russia ay nahawaan sa labas ng kanilang bansa.

Magugunita na nitong Enero ay sinarado ng Russia ang 2,600-mile land border nila ng China upang malabanan ang pagpasok ng nakakahawang sakit sa kanilang bansa.

Nitong pagpasok ng Marso ay may umabot na sa 33 ang naitalang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Pilipinas. Ilan sa mga kasong ito ay local transmission. Ibig sabihin ay nahawaan ang pasyente sa loob ng Pilipinas. Kahapon ay umakyat na ang bilang sa 49 at napaulat na nasawi ang isa sa mga ito.

11 comments:

  1. Sana makarating po para mwala na ang covid19 dito sa pinas at marming salamat po

    ReplyDelete
  2. Salamat sana makarating dto sa pinas.
    Thank you lord

    ReplyDelete
  3. sna makarating d2 sa pilipinas ang nsbing gmot,thAnk u god

    ReplyDelete
  4. Bingi naman ang ating Gobyerno, dapat umaksyon na sila.

    ReplyDelete
  5. Big help for all of us filipinos. Thank you Russia. God bless

    ReplyDelete
  6. Attention Pres Duterte and DOH to coordinate with Russian Govt to accept and ship in the Ph the medicines.. hoping to give it to all of us in the Ph. GODBLESS

    ReplyDelete