LIKE US ON FACEBOOK
DEAR PRRD HATERS,
Kung sana hindi kayo binubulag ng pagkaganid sa pera't kapangyarihan at hindi nasobrahan ang taas ng tingin nyo sa inyong mga sarili, sana nakita nyo kagabi ang mga nakita at naramdaman ko:
Isang Pangulong walang pakialam sa porma o sa mga mabubulaklak na salita. Ang mahalaga sa kanya ay ang maunawaan sya ni Juan at Juana at kahit paano ay maibsan ang kanilang mga pangamba.
Isang Pangulong tulad ng ordinaryong Pilipino ay may lungkot at pangamba ring nadarama pero pilit niyang nilalabanan para tayo ay mapakalma at makapag isip ng tama.
Isang Pangulong pagod (sa dami ba namang sunud-sunod na trahedya at hamong hinaharap nya) at hindi na kalakasan ang pangangatawan, pero nagpapakatatag at ginagampanan ang tungkuling sinumpaan at mga pangakong binitiwan.
Isang AMANG iniaalay ang natitirang oras at lakas para ipaglaban at pangalagaan ang kapakanan ng bayan.
Sayang at napupuno kayo ng kasamaan, kasakiman, kayabangan. Wala na tuloy kayong ibang makita kundi kadiliman at kapangitang galing mismo sa inyong mga sariling repleksyon.
No comments:
Post a Comment