Saturday, 14 March 2020

Ginagamit ni DU30 ang Coronavirus para Isulong ang Martial Law – Aktibista



LIKE US ON FACEBOOK







Nitong Marso 12 lang ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpapatupad ang pamahalaan ng community quarantine sa National Capital Region. Ito ay upang labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Community quarantine is hereby imposed in the [entirety] of Metro Manila and in other — in other areas the LGUs are advised to abide by the following guidelines imposing localized community quarantine in their
respective jurisdictions. For Manila, may… Ayaw namin gamitin ‘yan pero — kasi takot kayo sabihin
“lockdown”. And a — but it’s a lockdown. There is no struggle of power here. Walang away dito, walang giyera. It’s just a matter of protecting and defending you from COVID-19. That’s about it. It has nothing to do with the
power of the military or the power of the police, nor or my power and of these guys beside me. Hindi ‘yan. It’s not an issue of — it’s just an issue of protecting public interest and public health. Iyon lang,”
paliwanag ni Pangulong Duterte.

Sa isang social media post, binatikos ni James Carwyn Candila ang naging hakbang ni Pangulong Duterte. Para kay Candila, taktika lang daw ito para isulong ang martial law sa rehiyon. Si Candila ay miyembro ng DIWA ng Kabataang Lasalyano.

“TODAY, DUTERTE IS USING THE COVID-19 CRISIS TO ESTABLISH A MARTIAL LAW IN METRO MANILA,” boladas ni Candila.

Hindi din gusto ni Candila ang pakikibahagi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing community quarantine.

“HE WILL MOBILIZE THE AFP AND PNP TO ROVE AROUND OUR STREETS. IF THE YOUTH IS CAUGHT, THEY WILL BE BROUGHT TO POLICE STATION FOR QUESTIONING,” patutsada pa ni Candila.

Ang mga boladas ni Candila laban sa administrasyon ay nakaakit naman ng mga sari-saring komento.

Kayo? Anong masasabi niyo sa mga patutsada ni Candila?

No comments:

Post a Comment