Wednesday 19 February 2020

‘Ilang Babae na Talent sa ABS-CBN, Sinasamantala ng Boss jan! ’ - Former ABS-CBN Host Jay Sonza



LIKE US ON FACEBOOK





Sa programang Tambayan sa DWIZ, may ilang impormasyon na ibinahagi ang dating ABS-CBN host na si Jay Sonza patungkol sa kanyang dating pinagtatrabahuan na kumpanya na nahaharap ngayon sa kontrobersiya dahil sa prangkisa nito.

Ayon sa retiradong mamamahayag, ang ilang babae daw na empleyado ng kumpanya ay napo-promote gamit ang body language.

“Ganito ang sistema sa loob ng ABS(-CBN). Pag mgaling ka, you will go places. Ibig sabihin susuweldo ka ng malaki at mapo-promote ka, ‘pag mahusay ka talaga. Ibig sabihin matalino ka at mabihasa ka. Pero kung ikaw ay nagmamadali at babae ka, mabilis din ang promotion, if you know how to use your body language… ‘Yan ang kultura sa loob. Masama man pakinggan, Noong pumasok ako, dalawang klase lang ang umaasenso diya, ang ubod ng galing at may galing,”
sabi ni Sonza.

Napag-usapan din sa programa ang ang sinasabi ng ilan na kawawa ang mga empleyado ng media network kung sakaling maipasarado ang kumpanya.



“Kung mahusay ka at magaling ka, hindi problema (ang pagsasara ng ABS-CBN). Ang dami ngang umasenso nang magsara ang ABS nong 1972. Ganyan din, iyakan din kasi mawawalan ng trabaho. ‘Yung isang nawalan ng trabaho naging secretary of defense at naging senador, si Orly Mercado. Siya ang Chief of reporter noong magsara ang ABS. Si Tony Seva, cameraman at reporter, naging executive vice president ng GMA,”
paliwanag ni Sonza.

Banat pa ni Sonza, ang pasimuno daw ng endo (end of contract) ay ABS-CBN.

“You take the case of 103 cameramen at technical directors na sinipa nila ganun-ganun na lang. 19 ang kaso nila sa labor dahil diyan,”
paliwanag ni Sonza.

Ang ABS-CBN ay nahaharap sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General sa Korte Suprema. Ang panukalang batas para sa legislative franchise ng media network ay nakabinbin sa kongreso at hindi pa dinidinig sa mababang kapulungan.

1 comment:

  1. Do this hack to drop 2lb of fat in 8 hours

    More than 160 000 men and women are losing weight with a easy and secret "liquids hack" to drop 1-2lbs every night while they sleep.

    It's very easy and works all the time.

    This is how you can do it yourself:

    1) Hold a glass and fill it half the way

    2) Proceed to follow this strange hack

    you'll become 1-2lbs lighter in the morning!

    ReplyDelete