LIKE US ON FACEBOOK
Sa kanyang panayam sa programang Tambayan sa DWIZ, isang matinding rebelasyon ang isiniwalat ng dating news director ng ABS-CBN. Ayon kay Jay Sonza, ang bilyong donasyon na nalikum noon ng istasyon ay hindi daw ginamit sa pagtulong bagkus ipinampatayo umano ng building ng kumpanya.
“Sa totoo lang, walang kahit isang perang lumalabas sa ABS eh. Ang mga itinutulong galing din sa ating lahat na mga donors eh. Bakit ko alam ito? Ganito nagsimula ang foundation, wala naman talagang foundation ang ABS eh. ‘Yung ni-launch namin ang TV Patrol, noon 1989, tatlong programa ang pinagsama namin, news, buhay artista at public service. Nagsimula sa lingkod bayan iyan. May isang lumapit sa amin na malaki ulo. Sabi ni Mel (Tiangco), ‘tulungan natin’. Eh di nanawagan. Ang daming nagdonate. Imbes na ang kailangan ay P1,800, ang pumasok na pera ay otsenta mil… Noong dumami ang pera, naisip ng management na gawin ng foundation. Kasi milyones na ang pera… Hanggang sa pumutok ang earthquake sa Nueva Ecija at sa Baguio, umabot sa bilyon ang perang pumasok sa foundation. Kaya noong umalis kami ng ABS, ang pera ng ABS foundation ay bilyones. Puro donation iyan… Pagkatapos nagpatayo sila ng building sa kanto ng Scout Albano at ng Mother Ignacia. Doon ako umangal. Sabi ko ‘Bakit kailangan galing sa foundation?’. Kung kami nga kumukha ng gamot galing sa lingkod bayan ay binabayaran pa namin,” pagsisiwalat ni Sonza.
Pakinggan sa 32:39 mark ng video ang mga pagsisiwalat ni Sonza laban sa diumanoy maling paggamit ng ABS-CBN sa donasyon na nakalap nito.
Hinamon ni Sonza ang ABS-CBN na ilabas ang mga accounting books nito.
Naungkat din ni Sonza ang sweldo at ang shares niya sa ABS-CBN na hindi na ibinigay sa kanya ng kumpanya.
Matatandaang umabot sa Korte Suprema ang kaso ni Sonza sa ABS-CBN kasama ang dati nitong katrabaho na si Mel Tiangco dahil sa isyu ng kontrata at benepisyo. Nanalo ang dalawa sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment