Monday, 24 February 2020

'Hindi kami sinama sa Hearing para hindi masira ang ABS-CBN' - Former ABS-CBN Contractual Employee



LIKE US ON FACEBOOK





Natapos nga ang Hearing ng Senado sa pag renew ng Prangkisa ng ABS-CBN ,Pero wala tayong narinig na mga nagrereklamong empleyado . Muka tuloy 1 sided ang hearing na pabor na pabor sa ABS-CBN.

Hindi talaga sinama ang mga dating Empleyado na nagrereklamo para bumango ang pangalan ng ABS-CBN.




Ang mga boladas na ito ng mga artista ay binutata ng nagpakilalang dating empleyado ng ABS-CBN. Ayon kay Christopher Mendoza, ano raw ang pagkakaiba nila sa mga manggagawa ngayon. Mas mabuti nga daw ang mga empleyado ng ABS-CBN ngayon dahil nalaman na agad nila ang posibilidad ng pagsasara ng kumpanya, habang siya at ang mga kasamahan niya dati ay bigla na lang daw tinanggal.

“June 2010 nang ipaglaban namin ang karapatan namin bilang isang mangagawa, ano ang pinagkaiba ng 100+ na mangagawang tinangal noon at sa sinasabi ng mga artista ngaun na maraming apektado kung sakaling masara ang abs eh pare pareho namang tao kami nga biglaan tinangal samantalang kyo last year pa ng ipaalam na pwedeng masara abs so nakapaghanda na kyo real talk lang mga kaibigan hindi nyo alam kung ano naging buhay namin noon may mga anak na pinagaaral, pinapakain parating pa kapaskuhan buti na lang hindi kami pinabayaan ni God,”
sabi ni Mendoza.

No comments:

Post a Comment