Saturday, 30 May 2020

Ilang ABS-CBN Reporters, Tumutulong sa NPA ayon kay Former Ambassador Tiglao!



Sa column ni former ambassador Rigoberto Tiglao sa The Manila Times, sinabi nito na ang ilang mga mamamahayag sa ABS-CBN ay tumutulong sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA). Ang siste daw ay sinisiwalat daw ng mga nasabing reporters ang mga plano ng militar sa mga rebeldeng komunista.

“Military intelligence was especially worried over reports it was getting from its field offices that ABS-CBN “correspondents” in insurgency hotspots were either members of the CPP or sympathizers who often presented the rebels’ views more than that of the military. Worse, military intelligence claimed that ABS-CBN correspondents then wittingly or unwittingly revealed the Army’s plans and strengths to the NPA units in the area,” sabi ni Tiglao.

Sinama din ni Tiglao ang mga screenshots ng online publications ng mga komunista na kumukundina sa pagsasara ng ABS-CBN.




Ayon pa kay Tiglao, ang mga may-ari ng ABS-CBN, mga Lopezes, kasama ang mga angkan ng mga Cojuangco-Aquino, ay ka-alyado diumano ng mga NPA sa kanilang laban kontra kay former President Ferdinand Marcos.

Pinuna din ni Tiglao ang mga pagpapahayag ng suporta ng mga makakaliwang grupong konektado sa Communist Party of the Philippines (CPP) sa ABS-CBN noong pinahinto itong mag-ere. Magugunita na naglabas ang National Telecommunication Commission (NTC) ng Cease and Desist Order laban sa Kapamilya network noong ika-5 ng Mayo dahil sa pagkapaso ng prangkisa ng istasyon.

Nilakip ni Tiglao sa kanyang artikulo ang isang larawan kung saan makikita ang babaeng NPA na may hawak na banner na nagpapahayag ng suporta sa ABS-CBN.



No comments:

Post a Comment