Wednesday, 8 April 2020

NURSE, NAMIGAY NG RELIEF GOODS SA MGA HOMELESS NA MADADAANAN NIYA PAUWI NG BAHAY



LIKE US ON FACEBOOK






Naging agaw pansin sa social media ang kabutihang loob ng isang nurse na nagbigay ng kaunting tulong sa mga taong natutulong sa gilid ng kalsada sa kabila ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“Humanity does really exist. A simple gesture can define it.”

Ito ang sinabi ng netizen na si Hafiz Marohombsar sa kanyang viral Facebook post matapos niyang masaksihan ang kabutihang loob ng kanyang katrabahong nurse.

Kwento ni Hafiz, pagkatapos ng kanilang trabaho ay niyaya siya ng kanyang kaibigang nurse na maglakad na lamang pauwi dahil hindi nila naabutan ang free shuttle at kailangan pang maghintay ng isang oras para sa susunod na sasakyan.




Aniya, bumili raw ang kanyang kaibigan ng pagkain at tubig sa malapit na convenience store upang ibigay nila sa mga taong natutulog sa kalsada na kanilang madadaanan.

Nag-alok rin umano si Hafiz sa kaibigan na maghati sila sa ginastos ngunit tinanggihan siya nito.

“I offered to pay half of the price but she refused, okay na daw na kasama niya ako namigay. She was even thankful kasi andun ako para tulungan siya magkarga ng mga pagkain,” sabi ni Hafiz.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this site. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.

No comments:

Post a Comment