LIKE US ON FACEBOOK
Nag-viral nitong nagdaang araw ang mensahe ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” omagoso laban sa ilang senador na hindi umano nakikita sa gitna ng coronavirus disease 2019 (covid-19) crisis. Hinamon pa ng Punong Lungsod ang mga mambabatas na ipakita ang kanilang pagtulong.
“Mga senador, 24 lang kayo. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Nasaan kayo ngayon? Hinahanap namin kayo. Puro na lang tayo kontra rito, kontra roon, dahil sa mga sinusulong niyong political interest. Wala ba kayong puso? Maswerte kayo dahil pinagpala kayo. Paano ‘yung naghihikaso bago pa man mangyari ang krisis na ito at lalong naghihikaso sa kasalukuyang krisis na ito?” banat ni Mayor Isko.
Naglabas naman ng pahayag si Senate President Vicente “Tito” Sotto. Sa nasabing pahayag, binanatan nito ang ilang indibiduwal na hindi niya na pinangalanan.
“Sang-ayon ako na bawal mamulitika kung kaya’t hinahamon ko lahat ng putiko sa buong bansa lalo na ang mga mayayabang na local official na wag gamitin ang pagtulong sa kanilang mga nasasakupan para sa pansariling ambisyon,” sabi ni Sen. Sotto.
“Our duty as lawmakers is to promptly pass the enabling law so the exec dept can use govt funds to respond during this health crisis. We did so in 18 hrs. it’s not our mandate to repack rice and sardines with a complete PR team around us. Some of us do, WITHOUT the PR team!,” dagdag pa ni Sen. Sotto.
Kilala si Mayor Isko na may sopcial media team na nangangasiwa sa communication platform ng Maynila. Dito inilalabas ni Mayor Isko ang mga ginagawa para sa lungsod ng Maynila.
Nagbigay na rin si Senador Lacson ng kanyang opinyon patungkol sa sinabi ni Mayor Isko.
“Yorme, kaya po namamahagi ngayon ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila ay dahil nagpagod at nagpuyat ang mga senador kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act. Iyan kasi ang mandato namin. Mali ang paratang ninyo na wala kaming ginagawa,” ani Senador Lacson.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this site. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Please stop barking in social media
ReplyDeleteDo your best as a leader t.y
Lol Sotto ayaw mo lng kc mag labas ng pera. Gusto mo pa mang away.
ReplyDelete