Friday, 3 April 2020

LIKE FATHER LIKE DAUGHTER! Anak ni Kiko Tutubusin pag nakulong ang mga LUMALABAN SA GOBYERNO!



LIKE US ON FACEBOOK






Nag-alok ang anak ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan at ni “Megastar” Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan na piyansahan ang isa sa mga inarestong quarantine violators.

Magugunita na nagsagawa ng kilos protesta ang ilang residente ng Sitio San Roque sa Quezon City kahit na mayroong enhance community quarantine at walang permit para magprotesta. Ito ang dahilan kung bakit pinaghuhuli ang mga ito ng Quezon City Police District (QCPD).

Sa tweet ng aktibista na si Renato Reyes Jr., sinabi nito na hindi bababa sa P15,000 ang piyansa ng bawat isa sa mga naaresto.

“Wala na nga silang makain, pagbabayarin pa ng P15,000 each (They’re already hungry, and yet they’re being made to pay P15,000,” sabi ni Renato.

Dito sumagot si Frankie at nag-alok na piyansahan ang isa sa mga nahuli, habang ang kanyang mga magulang ang bahala sa mga natitirang lumabag sa quarantine.

“i’ll sponsor one. please give the details… and my parents would like to cover the other twenty,” sabi ni Frankie.









BONUS CLIP






Ayon kay Quezon City Task Force Action Officer Rannie Ludovica, pakana daw ng leftist group na KADAMAY kung bakit nagsagawa ng rally ang mga tao.

Matapos ang nangyaring rally, nagsalita si Pangulong Duterte sa isang public address at pinagbantaan ang mga makakaliwa.

“Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation… Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” banta ni Pangulong Duterte laban sa mga leftist groups.


So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this site. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.

No comments:

Post a Comment