Friday, 17 April 2020

‘Di Sasagutin ang Pampa-ospital! Mayor Sara, Nagbanta sa mga Lumalabag sa Quarantine!



LIKE US ON FACEBOOK





Nagbabala si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi sasagutin ng pamahalaang lungsod ng Davao ang bayarin sa ospital ng mga coronavirus disease (COVID-19) patients na mapapatunayang lumabag sa enhance community quarantine (ecq).

“If you got infected with COVID-19 because you violated the Enhanced Community Quarantine, the city government will not pay for your hospitalization,” sabi ni Mayor Sara.

Ayon sa Punong Lungsod, gamitin ng lang daw ng mga quarantine violators ang kanilang Philhealth pero hindi na raw makakaasa ang mga ito ng ayuda kapag lumagpas sa Philhealth coverage ang bayarin sa ospital. Banat pa ni Mayor Sara, kailangan daw maghanda ang mga quarantine violators na halagang aabot sa P2 million kahit na may Philhealth benefits ang mga ito.

Hindi rin daw maintindihan ni Mayor Sara kung bakit may mga pribadong sasakyan na gumagalagala sa kanyang lungsod kahit na kaunti lang ang mga bukas na establisimiyento.




“They can afford the gasoline of these vehicles so they should prepare for the payment of their hospital bills once they acquire Covid-19 from violating the protocols of the ECQ… Most of the supermarket workers do not use these kinds of vehicle,” dagdag pa ng alkalde ng Davao City.

Kanina lang ay sinabi na ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tinitignan na ng national government ang posibilidad ng pagpapatupad ng total lockdown kung patuloy ang pagpapasaway ng ilang kababayan natin.

“Nung huling press briefing ko po pinaanunsyo sa akin na fake news po yung kumakalat nang balita na magkakaroon ng total lockdown. Pero hindi po fake news na kinukunsidera ang total lockdown lalong lalo na kung magpapatuloy yung mga pasaway sa ating mga kalsada… Wag na po natin pahabain pa itong ECQ. Tumupad na po tayo sa ating obligasyon at kakaunting panahon na lamang po ang natitira sa ating ECQ. Isang linggo. Konting tulog na lang po ito. Pagtiyagaan na po natin… Pero pag hindi po natin napa-flatten ang curve, hindi natin nabawasan ang mga kaso ng COVID, syempre po isa yan sa option na ikukunsidera,” ani Roque.


So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this site. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.

No comments:

Post a Comment