LIKE US ON FACEBOOK
Marami ang apektado sa umiiral na lockdown o enhanced community quarantine sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas dulot ng COVID-19. Halos lahat ay walang trabaho at karamihan ay hirap makahanap ng makakain lalo na ang mga mamamayan na nasa mababang antas ng buhay.
Kung kaya naman karamihan nalang sa mga ito ay
umaasa na lamang sa ayuda na ibibigay ng gobyerno.
Tanging mga "Frontliners" lamang ang pinapayagang pumasok sa kanilang mga trabaho upang maglingkod sa bayan, tulad ng mga nagtatrabaho sa mga ospital, mga sundalo, pulis, janitor o mga empleyado sa supermarket.
Sa kabila ng walang trabaho ng karamihan sa bansa dahil ipinatupad na quarantine, malaking tulong din sa mga ordinaryong trabahador ang halagang ibinibigay ng mga kumpanya sa kanilang mga empleyado tulad ng advanced 13th month pay.
Gayunpaman, hinangaan ng mga netizens ang ginawa ng isang amo ng kumpanya matapos nitong hanapin ang bahay ng kanyang empleyado sa liblib na lugar upang ibigay ang hindi nakuhang sahod at advanced 13th month pay nito.
Ayon sa Facebook post ni James Voltaire Carson, simula ng tumigil ang operasyon ng kanilang kumpanya dahil sa lockdown ay hindi na niya muling nakita si Noel na isang utility sa kanilang trabaho dahilan ng hindi nito maibigay ang kanyang natitirang sahod at 13th month pay nito.
"Since March 17, nung nag stop kami ng operations dahil sa ECQ ay hindi ko na sya nakita. Hindi nya nakuha ang sweldo nya at ngayon nag release kami ng advance 13th month pay hindi nya pa rin nakuha." saad ni James.
Kwento ni James, nag-alala siya kay Noel dahil baka wala lang umano itong kakayahan para magbiyahe para kunin ang kanyang natitirang sahod dahil mula pa ito sa mayong probinsya na hindi sanay sa syudad at wala din itong ginagamit na cellphone.
"Medyo nag aalala ako kasi baka wala talaga siyang way na maka byahe kasi sa totoo lang ay taga probinsya sya at hindi sya sanay dito sa siudad at isa pa wala siyang celphone." ayon kay James.
Dahil dito ay nagpasya si James na hanapin ang kinaroroonan ng bahay ni James at para iwas sita ay ginamit niya ang kanyang 'angkas costume' para matunton ang bahay ni Noel.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this site. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
No comments:
Post a Comment