LIKE US ON FACEBOOK
Umakyat na sa 368 ang bagong bilang ng mga nasasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (covid-19) sa Italy. Ayon sa tala, ito daw ang pinakalmalaking pagtaas sa loob lang ng isang araw. Sumatutal,umabot na sa 1,809 ang pumapanaw sa naturang bansa. Base sa mga datos,ito daw ang pinakamataas na bilang sa labas ng China.
Base naman sa impormasyon na inilabas ng civil protection service ng Italy, pumalo na raw sa lagpag 24,700 ang nahahawaan ng nasabing sakit. Ang mga pumanaw naman ay higit 1,800 na. Ayon sa British new website na metro.co.uk, ito na raw ang “highest number yet”. Nanatili pa rin na episentro ng pandemic ang rehiyon Northern Lombardy.
Inilagay na ang bansang Italy sa lockdown at nagpapatupad na rin na mahigpit na emergency measures. Ang mga kainan, sports facilities, paaralan, sinehan at bars ay isinarado na. Habang ang mga taong alam na nahawaan sila ng coronavirus pero ayaw mag self-isolate ay mahaharap sa kaso.
Kinilala naman ni Pope Francis ang mga taong tumutulong para malabanan ang sakit. Kinumpirma rin ng Vatican na ang mga aktibidad sa HOly Week ay pwedeng gawin kahit na walang “physical presence” ng mga deboto.
Ayon sa World Health Organization (WHO) karamihan ng mga nahawaan ng sakit ay gagaling. Sa katunayan daw ay 74,000 na ang naka-rocover at karamihan sa mga ito ay sa China kung saan pinaniniwalaang nagmula ang covid-19.
No comments:
Post a Comment