LIKE US ON FACEBOOK
Kamakailan lang ay nag post si Senador Kiko Pangilinan ng isang bahagi ng kanyang privilege speech tungkol sa estado ng mga magsasaka sa kanyang social media account. Ang post ay pasaring sa pamamalakad ng Duterte Administration sa sektor ng agrikultura.
“Mahirap na magsasaka lalo pang pinahirapan. Binhi, mahal. Krudo, mahal. Abono, mahal. Insecticide, mahal. Upa sa tanim, mahal. Tapos bibilhin nila palay na napakamura. Paano makakabayad sa inutang na puhunan? Patay ang magsasaka,” linyang ibinahagi ni Pangilinan sa kanyang Twitter account.
“This is an extremely serious concern that should be addressed urgently not just by the administration, but everyone who eats, as it will throw vulnerable sectors into a worse state of poverty and hunger. Nasa isang emergency situation tayo at kailangan ng ating mga magsasaka ang maagap na tulong. Ang liit ng hinihingi ng mga magsasaka sa atin para mabuhay at huwag umalis sa kanilang mga bukid at magpapatuloy ng pagbubungkal ng lupa para tayong lahat ay makakain,” ayon sa privilege speech ni Pangilinan.
Ang patutsada na ito ni Senador Pangilinan ay hindi naman pinalagpas ng radio host na si Mark Lopez. Resbak ni Lopez, matagal din daw na nasa kapangyarihan si Pangilinan pero wala din daw itong nagawa. Wala din daw ito sa lugar para pag-usapan ang isyu.
“Mr. Pangilinan, you were once in power when you were Presidential adviser on Food Security. Wala ka naman nagawa. Wala! And you are part of the most inept administration ever. What makes you think you have the ascendency to discuss the problems of farmers eh isa ka sa umabuso,” banat ni Lopez.
“Di nga, ano ba ang K ng mga opisyales ng dating administrasyon na magkukukuda at mag lecture pa sa kasalukuyang gobyerno kung ano gagawin?
San ba talaga kumukuha ng kapal ng mukha itong mga katulad ni Kiko Cuneta?” resbak pa ni Lopez.
No comments:
Post a Comment