LIKE US ON FACEBOOK
Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na meron nang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Ang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 ay mula sa unang distrito ng lungsod.
Kasabay nito umapela si Belmonte sa mga residente na huwag mag-panic at sa halip ay sundin ang mga alituntunin ng Department of Health (DOH) hinggil sa pananatiling malinis ang pangangatawan at paghuhugas ng kamay.
Ayon naman sa Markina City Public Information Office, kinumpirma ni Mayor Marcy Teodoro na isang 86-anyos na kamakailan ay bumiyahe sa South Korea ang positibo sa naturang sakit.
Una nang sinabi ng DOH na ang pang-siyam na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay isang 86-anyos na lalaking American national na mayroong pre-existing hypertension at may history ng pagbiyahe sa USA at South Korea.
Bago ang kumpirmasyon, iniutos na ni Teodoro ang paglilinis sa mga paaralan at iba pang lugar sa Marikina.
Nagsasagawa na rin ng malawakang disinfection activities sa mga matataong lugar tulad ng palengke, mga parke, public terminals, public toilets, at iba pang public structures sa lungsod.
No comments:
Post a Comment