Tuesday, 24 March 2020

Mga naninigarilyo, mas malaki ang posibilidad na mahawaan ng Coronavirus ayon sa experto



LIKE US ON FACEBOOK





Hinihimok ngayon ng mga eksperto ang mga naninigarilyo na itigil na ang ganitong bisyo dahil sila umano ay mayroong mas malaking posibilidad na mahawa ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 kaysa sa karaniwang taong hindi naninigarilyo.

Ang mga taong naninigarilyo at mayroon nang sakit sa baga o anumang respiratory disease ay maaaring rin umanong humarap sa mas malalang sakit.

Wala mang direktang pag-aaral na nagpapatunay na ang paninigarilyo ay nagpapalala sa COVID-19, ayon sa mga eksperto ay ang paninigarilyo mismo ay maaaring maging dahilan ng paglala ng mga sakit sa baga na nagpapalala rin ng COVID-19.



EXTRA CONTENT






“Smoking is associated with other illnesses such as chronic lung and chronic heart diseases which are associated with more severe disease and worse outcomes from coronavirus,” saad pa ni Sanjaya Senanayake, ang Associate Professor if Medicine ng Australian National University (ANU).

Maliban sa mga naninigarilyo, pinangangambahan ring madaling mahawa ng coronavirus ang mga taong nakalanghap ng maraming usok, kagaya na lamang ng mga firefighters sa Australia na nakipaglaban sa malawakng bushfire roon nitong nakaraang mga buwan.

Kung matatandaan, ang bansang Australia ay nakipaglaban noong nakaraang mga buwan sa malawakang pagkasunog ng kanilang kagubatan.
Ito umano ay dahil ang mga bata ay wala pang masyadong iniindang sakit kagaya ng sakit sa baga kaysa roon sa mga taong mayroon nang edad. Napatunayan ito sa isang pag-aaral na ginawa tungkol sa pagkahawa ng Sars-Cov-2 sa mga bata.

Sa buong mundo, patuloy na tumataas ang kaso ng mga indibidwal na mayroong kompirmadong kaso ng COVID-19. Naging dahilan ito upang ideklara na ng World Health Organization ang COVID-19 bilang isang pandemic.

No comments:

Post a Comment