LIKE US ON FACEBOOK
Binalaan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang maimpluwensiyang samahang panrelihiyon na Iglesia Ni Cristo, kaugnay ng patuloy na pagsasagawa at pagdaraos ng mga pagsamba ng mga ito sa loob ng kanilang mga kapilya sa kabila ng ipinatutupad na community quarantine sa siyudad.
Matatandaang ipinag-utos ng Alkalde sa pamamagitan ng Executive Order no.10 na ipinalabas noong Marso 15, na pansamantalang suspendihin ang lahat ng aktibidad na panrelihiyon bilang bahagi na rin ng pag-iingat sa banta ng COVID-19 at upang maiwasan ang pagkalat pa nito.
“We already told you through an executive order that all religious ceremonies should be suspended,” saad ni Sara Duterte.
Ang babalang ito ay binitawan ni Mayor Duterte matapos umanong makatanggap ng mga ulat na patuloy pa rin sa mga aktibidad sa kanilang bahay-sambahan ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo (INC).
“It meant ‘the organization itself should suspend all activities,” ani Mayor Sara. “Yet, you still continue to call on your members to go to church,” dagdag pa ng Punong-Lungsod.
Ayon pa kay Duterte, inirerespeto umano niya ang paniniwala at pananampalataya ng mga samahang panrelihiyon subalit hindi umano magiging ligtas sa COVID-19 ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo kung susuungin ng mga ito ang panganib habang nagpapatuloy sa pagpunta sa kanilang mga bahay-sambahan
“I want to remind the members of Iglesia Ni Cristo that praying inside the church won’t save you from the virus. It will not prevent you from getting infected and from getting sick,” saad ni Duterte.
Dagdag pa ng Alkalde, kung patuloy umanong hindi susunod ang Iglesia ni Cristo sa nasabing Executive Order ay maaari umanong humantong ito sa aksyong legal ng lokal na pamahalaan. Muling hinikayat ni Duterte ang mga miyembro ng INC na pansamantalang itigil ang kanilang mga aktibidad sa kapilya.
“If we cannot appeal to INC to suspend their activities, then we are exploring what we can do on the legal side,” ani Duterte.
“I ask our brothers and sisters from the INC in Davao to please stop attending your ceremonies,” dagdag pa ng Punong-Lungsod.
No comments:
Post a Comment