LIKE US ON FACEBOOK
Nakarating na sa kaalaman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mayroong ilang barangay officials na nanamantala sa gitna ng coronavirus disease 2019 (covid-19) crisis.
“(Barangay officials will) certainly be suspended or placed behind bars as their despicable act in a time of a public health emergency is unbecoming of a government official and goes against the tenets of public serviceMahiya kayo sa mga balat ninyo… Sisiguraduhin ko na makukulong ang mga abusadong ‘yan na nakuha pang manloko ng mga kababayan nila sa panahon ng krisis na tulad nito. You are expected to help your people not cause them more sufferings,” sabi ni DILG Secretary Eduardo Año.
Nagbanta ang kalihim na gagamitin nila ang buong pwersa ng batas upang panagutin ang mga tiwaling barangay officials.
“We will impose the law. Wala po kaming kikilingan kahit mayor ka pa o kapitan ng barangay basta napatunayang ikaw ay may sala in proper due process, mananagot ka,” dagdag pa ni Año.
Kamakailan lang ay may barangay chairman sa Taguig na nasampolan na dahil naniningil ng P50 sa residente para makaalis lang sa kanilang nasasakupan. Nilinaw din ng kalihim na walang karapatan ang mga barangay officials na mangharang ng mga delivery.
Inabisuhan din ni Secretary Año ang mga barangay na may kakulungan sa pondo na humiling ng tulong sa kani-kanilang mga alkalde o gobernador.
Nagbigay na din ng direktiba ang kalihim sa mga alagad ng batas na respetuhin ang human rights ng mga mamamayan.
Nanawagan ang kalihim ng DILG na tumawag sa hotline ng ahensiya 02-8876-3454 local 8806/8810 or 02-8925-0343 para isumbong ang mga lokal na opisyal na nananamantala sa covid-19 situation.
No comments:
Post a Comment