Tuesday, 17 March 2020

Buong Pilipinas, Nilagay na sa 6-Month “STATE OF CALAMITY” ni PDU30! Halos 200 na ang Nahawaan ng Coronavirus!



LIKE US ON FACEBOOK





Sa isang proklamasyon, isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong Pilipinas sa “State of Calamity” dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19). Sa pamamagitan ng proklamasyon, mas magiging maigi ang pagresponde ng gobyerno upang malabanan ang pagkalat ng covid-19.

“Idinedeklara ang State of Calamity sa kabuuan ng Pilipinas na tatagal ng anim (6) na buwan, maliban na lang kung bawiin o palawigin depende sa sirkumstansya,” sabi ni Pangulong Duterte sa wikang Inggles.

Kanina ay napaulat na umabot na nadagdagan na naman ng 45 ang mga nag-positibo sa covid-19. Pumalo na sa 187 ang mga nahahawaan ng sakit sa ating bansa.

Sa ilalim ng deklarasyon, inaatasan ang mga alagad ng batas na gawin ang lahat ng paraan para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Magugunita na kahapon lang ay inilagay ni Pangulong Duterte ang buong isla ng Luzon sa “enhanced community quarantine”. Sa ilalim ng quarantine, sinuspinde ang mass transportation dahilan para bumagal ang pagbiyahe ng mga tao.




No comments:

Post a Comment