LIKE US ON FACEBOOK
Para lubos nang malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (coviod-19), nanawagan na ang mga doktor sa publiko na kung maaari ay manatili na lang sa kani-kanilang mga tahanan habang sila ay nagtatrabaho upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Gustong ipaalam ng mga doktor na sila din ay tao lamang at nagkakasakit. Makakatulong daw ng lubos kung pipirmi sa bahay ang bawat isa.
Ang coronavirus ay idineklara na ng World Health Organization (WHO) na isang pandemic. Sa kasalukuyan daang-libong katao na ang nahawaan ng sakit at pumalo na rin sa lagpas isang libo ang nasasawi.
Sa pag-aaral sa Estado Unidos, natuklasan na ang coronavirus ay maaaring magtagal ng ilang oras sa hangin at ilang araw naman sa ibang bagay.
Para malabanan ang covid-19, nagpatupad na ang gobyerno ng enhance community quarantine sa Metro Manila. Hihigpitan ang mga transportasyon at galaw ng mga tao upang malabanan ang paglaganap ng sakit. Kahapon naman ay isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong Pilipinas sa “State of Calamity”.
No comments:
Post a Comment