LIKE US ON FACEBOOK
Naging laman ng balita kamakailan ang aberyang naganap sa “Piling Lucky” segment ng programang “It’s Showtime” ng ABS-CBN.
Pinapili kasi ang isang kalahok sa segment ng isa sa mga mga paintings. Sa likod ng mga nasabing painting ay nakatago ang mga posibleng premyo. Maaari manalo ang contestant ng P500,000, di kaya ay negosyo package.
Sinawing palad ang contestant dahil ang laman ng napili niya ay 5 kilong bigas. Upang patunayan na walang dugasan na nangyayari, binuksan ng mga host na sina Vice Ganda, Teddy Corpuz at Jugs Jugueta ang mga pinagpipilian.
Laking gulat ng mga host na nawawala ang painting na dapat ay may nakalagay na negosyo package.
Dahil sa nangyari, humarap sa telebisyon ang direktor ng programa upang humingi ng paumanhin. May katabi itong babae habang nagsasalita. Kapansin-pansin na tila maluha-luha ang babae habang nagpapaliwanag ang direktor sa madla.
Ang nangyaring ito ay hindi nagustuhan ng former ABS-CBN news direktor na si Jay Sonza. Sa pamamagitan ng kanyang social media account, binanatan niya ang dati niyang istasyon.
“The DEVIL in abs-cbn for DEHUMANIZING the poor lady employee on live TV. talk of real concern for their workers,” banat ni Sonza.
“This should never happen. This should never be tolerated. How cruel of you direk Bobet Vidanes. Is this the way you treat your kapamilya?” dagdag pa ni Sonza.
Nagsalita na rin patungkol sa isyu ang abogado at radio host na si Attorney Trixie Cruz-Angeles.
“Kamusta na yung auditor ng ABS na halos umiyak nung pinaakyat sa stage para i-award na lang yung pangkabuhayan package sa contestant. Mukhang siya yung napagbuntunan ng galit dahil nabistong walang malaking premyo pala yung contest, daw,” ani Atty. Trixie.
Grabe naman yun.
ReplyDelete