Wednesday, 4 March 2020

ABS-CBN, Broadcast Partner pala ng Liga ni Manny Pacquiao! Kaya Supportado ang Renewal.


Kamakaialan lang ay nakatanggap ng batikos si Senadora Grace Poe matapos itong mamuno sa senate hearing para sa pagpapalawig ng ABS-CBN Franchise. Pinuna ng abogado at former spokesperson na si Harry Roque ang pagtatrabaho ng ina ni Poe na si Susan Roces sa ABS-CBN at ang pagbili ng Kapamilya network sa film library ng ama nito na si Fernando Poe Jr. Umamin din si Poe sa isang panayam na mayroong ngang business relationship ang kanyang pamilya sa media giant. Ayon kay Atty. Roque, maituturing na “conflict of Interest” ang nangyaring pangunguna ni Poe sa pagdinig sa senado dahil sa koneksyon ng pamilya nito sa istasyon.

Hindi lang si Poe ang senador na sumusuporta sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. Maging ang ilang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa senado ay pumapabor din sa franchise renewal ng Kapamilya network.

Isa sa mga kaalyado ni Pangulong Duterte na sumusuporta sa ABS-CBN franchise renewal ay si Senador Manny Pacquiao. Para kay Pacquiao, marami daw ang magugutom kung magsasara ang ABS-CBN. Ayon pa kay Pacquiao, malaking kawalan daw sa sambayanang Pilipino kung isasarado ang ABS-CBN.



“Kung ano man ang problema nila, kung may violation sila, then kasuhan sila. Pero hindi naman siguro doon mapupunta sa closure… Parang malaking kawalan ng buong sambayanang Pilipino ang mawala ang ABS-CBN dahil napakalaking tulong ito para sa ating bansa na magkaroon ng impormasyon ang bawat isa,”
sabi ni Sen. Pacquiao.

Ang ABS-CBN ay isa sa mga broadcast partner ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Umeere ito sa sports and action network at The Filipino Channel (TFC) ng ABS-CBN. Ang liga ay itinatag ni Pacquiao noong 2017.

No comments:

Post a Comment