Sunday, 15 March 2020

2 Pasyente ng COVID-19 sa Pilipinas kumpirmadong gumaling na! – DOH



LIKE US ON FACEBOOK





Kumambiyo ang Department of Health (DOH) at sinabing 2 lamang ang tuluyan nang gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa panibagong anunsyo ng DOH, ito ay sina PH1 at PH3 pa lamang.

Habang nasa 5 naman ang kumpirmadong COVID-19 case na may ‘mild’ lamang na sintomas na ngayon ay nakasailalim sa home quarantine.

Ayon sa DOH, ito ay base sa umiiral na decision tool for the diagnosis and management ng COVID-19.

Ginawa ng DOH ang paglilinaw matapos na maiulat na 5 na ang kumpirmadong gumaling sa COVID-19 sa bansa.


“The Department of Health clarifies that, to date, there have been a total of two recovered cases of COVID-19 (PH1 and PH3),” ayon sa DOH.

“On the other hand, five confirmed COVID-19 cases with mild symptoms are under home quarantine based on the existing decision tool for the diagnosis and management of COVID-19,” anang ahensiya.

No comments:

Post a Comment