Saturday, 7 March 2020

12,000 Free Internet Sites, Itatayo ng Gobyerno at UNDP ngayong 2020!



LIKE US ON FACEBOOK


“For 2020, we will have about 12,000,”


Ganito ang naging pahayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio Jr. ukol sa pagpapatayo ng mga libreng internet sites sa remotes area sa Pilipinas.

Papangunahan ng DICT at ng United Nations Development Program (UNDP) ang nasabing proyekto.

Sa isang seremonya nito lamang Huwebes, pinagana na ng DICT atng UNDP ang 69 free WiFi sites sa mga disadvantaged areas sa Isabela, Palawan, Albay, Davao City at Lanao Del Sur.





Ayon kay DICT Usec. Rio, umabot na raw sa 3,500 na WiFi sites ang napagana na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng Free WiFI for All program. Balak pa ng ahensiya na magpagawa ng 3,000 sa Hunyo at 3,000 pa bago magtapos ang taon.

Sa 3,000 na WiFI sites, aabot daw sa lagpas milyong katao ang pwede nitong mabigyan ng internet access.

“Let’s say 100 users or so, they get 500 kbps. But that’s very fast enough,”
paliwanag pa ni Usec. Rio.

Hindi lang daw mga estudyante ang matutulungan ng libreng internet kunfi ang mga nasa sektor ng agrikultura.

No comments:

Post a Comment