Friday, 14 February 2020

SHOCKING! Ito ang Black Propaganda ng ABS-CBN dati kay Pres. Duterte para hindi manalo noong 2016 Elections


Kahapon ay naghain ng “quo warranto” si Solicitor General Jose Calida ng petisyon sa korte suprema laban sa prangkisa ng ABS-CBN. Ayon sa abogado ng gobyerno, may natukalsan daw silang mga pang-aabusong ginawa ng kumpanya.

Nilinaw naman ng palasyo na walang silang kinalaman sa naging hakbang ni Solicitor General Calida. Ginagawa lamang daw ng Solicitor General ang trabaho nito.

Pero magugunita na ilang beses na rin nagbanta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang ABS-CBN franchise renewal. Ilan sa mga rason na ibinigay ng Pangulo ay ang hindi umano pag-e-ere ng kanyang campaign advertisement kahit na tinanggap umano ng media outlet ang kanyang bayad.




“Ang inyong franchise mag-end next year [Your franchise will end next year]. If you are expecting na ma-renew ‘yan [a renewal], I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out… Ang ABS-CBN, ‘yung bunganga ng inyong interes, they protect you…Kayo ngayon, mag-renew kayo ng contract? Ilan kayong mga senador ngayon na nagbayad sa inyo na hindi ninyo pinalabas yung kanila?”
resbak ni Pangulong Duterte noong Disyembre 2019.

Ikinagalit din ng Pangulo ang pagpapalabas ng ABS-CBN ng anti-Duterte campaign ads na kung saan pinagsasalita pa ang mga bata laban sa kanya. Ang naturang patalastas ay pinondohan ni Senador Antonio Trillanes.

“Unang nilabas ninyo ‘yung kay Trillanes ‘yung using the children of a propaganda,”
banat pa ng Pangulo.

Sa isang panayam, sinabi ni dating senador Trillanes na naglaan siya ng P30 million para sa ads.

No comments:

Post a Comment