Wednesday, 26 February 2020

‘Labor Case ng ABS-CBN, Pinuputol ni Grace Poe sa Hearing’ – Former Kapamilya Cameraman



LIKE US ON FACEBOOK





“Nakikita ko ho rito ang spokesperson nila halos karamihan taga-ABS. Para halos lahat ay nagsasalita pabor sa kumpanya,”

Sa isinagawang senate hearing para sa prangkisa ng ABS-CBN, hindi maiwasan ng dating cameraman ng Kapamilya network na madismaya sa kanyang napanood. Ayon sa dating manggagawa ng ABS-CBN, tila pinuputol daw ni Grace Poe ang usapin sa labor case ng media network pag ito ay nauungkat.

“Noong pinanood namin ang seante hearing ay wala kaming narinig na malinaw na paliwanag tungkol sa labor case. Kung tutuusin parang pinuputol pa ni Senadora Grace Poe ang pagtatanong ni Senator Risa kung ilan ba ang nilalaman ng regular employee nila,” sabi ni Joseph Ong, former ABS-CBN cameraman.

Binunyag din ni Joseph na hindi pa sila binigyan ng benepisyo ng ABS-CBN kundi pa sila nagsasampa ng kaso.



“Kung bibigyan ng tamang balanse, dapat inimbitahan din (sa senado) ang mga taong ginawan ng kamalian para maipaliwanag po namin ang parte namin. Hindi naman ito nakadepende lamang kung ano ang (nangyayari) sa ngayon. Dapat magbalik-tanaw tayo sa ginawang mali ng ABS-CBN,” ani Joseph.

1 comment:

  1. As stated by Stanford Medical, It's really the one and ONLY reason this country's women live 10 years more and weigh 42 lbs lighter than we do.

    (And realistically, it is not related to genetics or some secret-exercise and EVERYTHING related to "how" they are eating.)

    BTW, What I said is "HOW", not "what"...

    TAP this link to uncover if this short questionnaire can help you decipher your true weight loss potential

    ReplyDelete