Friday, 28 February 2020

Grace Poe Aroganteng Umaming may Business Relationship ang Pamilya niya at ABS-CBN



LIKE US ON FACEBOOK





Sa kanyang panayam sa ABS-CBN News Channel program na Headstart, inamin ni Senadora Grace Poe na mayroong business relationship ang kanyang pamilya sa ABS-CBN. Tugon niya ito sa mga nagsasabing bias siya pabor sa Kapamilya network.

“Number 1, I am the chairman of the Committee on Public Services. No.2, it’s no secret the business relationship of my family with ABS-CBN. No. 3, I am only one of 24 senators. Whatever I say, even if I am for it or against it, if the majority will not side with my opinion, it will not prevail,”
sabi ni Poe.

Sinabi ni Poe ang pahayag na ito matapos niyang pamunuan ang senate hearing sa prangkisa ng ABS-CBN. Ang nasabing prangkisa ay nahaharap ngayon sa matinding suliranin.

Hindi naman nagustuhan ng Manila Times columnist at former ambassador na si Rigoberto Tiglao ang sinabi ni Poe. Inilarawan ni Tiglao na “arogante” ang pahayag na ito ng senadora.



"Ang sa akin, bakit naman pamumunuan ni Senator Grace Poe itong pagdinig na ito, samantalang mayroon siyang conflict of interest? Ang nanay niya nagtatrabaho sa ABS-CBN. ‘Yung library ng tatay niya na si FPJ ay binili at pagmamay-ari ngayon ng ABS-CBN,”
banat ni Atty. Roque.

Para naman sa abogado , radio host at blogger na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, dapat kasuhan si Poe para mapanagot ito.

“Since the two laws execute the constitutional provision, it is necessary to sue the senator for these in order to make her liable,”
sabi ni Atty. Cruz-Angeles.

1 comment: