Tuesday, 25 February 2020

Don't Us! Inabot ng 4 na Taon bago Mag-Sorry kay PDU30! – Writer Krizette Chu



LIKE US ON FACEBOOK





Sa isinagawang pagdinig ng senado kahapon para sa prangkisa ng ABS-CBN, humingi ng paumanhin kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pamunuan ng istasyon dahil sa pagpapalabas nila ng anti-Duterte ads na may mga menor de edad na nagsasalita laban sa dating alkalde ng Davao. Umamin din ang ABS-CBN na hindi nga nila naipalabas ang campaign ads ni Pangulong Duterte na may halagang P7 million.

“We were sorry if we offended the President. That was not the intention of the network.

We felt that we were just abiding by the laws and regulation that surround the airing of political ads.

Today, we want to make a categorical statement together with our chairman Mark Lopez that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,”
sabi ni ABS-CBN Corporation President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak.

Magugunita na ilang beses na ring nagbanta si Pangulong Duterte sa ABS-CBN na hindi nito papalawigin ang prangkisa ng kumapnya dahil sa nasabing kasalanan. Inalmahan na rin dati ni Pangulong Duterte ang patalastas na pinondohan ni former senator Antonio Trillanes kung saan ilang bata ang pinagsasalita laban sa dating alkalde.


Pero ang paumanhin na ito ay hindi kinagat ng Manila Bulletin Lifestyle writer na si Krizette Laureta Chu. Sa pamamagitan ng kanyang socia media account, binanatan niya ang mga hindi kanais-nais na mga pinaggagagawa ng ABS-CBN.

“It took ABS CBN four years to apologize for airing that anti Duterte ad that showed minors. Let’s not even talk ethics, or decency, but the fact that it violated KBP standards.

Four years.

Tapos kung maka share yung iba diyan nung meme about the apology, akala mo yung ABS CBN ang pinaka mabait, disente, at di makabasag na corporate company.

Don’t us.”
banat ni Krizette.

Habang isinusulat ito ay umaboit na sa lagpas 900 ang nagbahagi ng social media post ni Chu at umani na rin ito ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens.

No comments:

Post a Comment