Tuesday 18 February 2020

'Walang Permit To Operate Ang ABS-CBN, Ngayon nyo lang yan nalaman!' - FICTAP Chair Tamano



LIKE US ON FACEBOOK





Nanggagalaiti ang grupo ng cable operator sa diumano shortcut na ginawa ng ABS-CBN para makakuha ng franchise para sa network nito.

Ayon kay Federation of International Cable TV Associations of the Philippines (FICTAP) chair Estrellita Juliano-Tamano, kadalasan daw ay inaabot ng 5 hanggang 6 na taon ang pagpapa-apruba sa prangkisa.

“Bakit sila ABS-CBN gusto nilang mag-shortcut?… Kami, six years sa NTC para lang magkaroon ng lisensya ang operators. Tapos sila shortcut lang?”
sabi ni FICTAP Chair Tamano.

Magugnita na noong 2014 16th congress ay tinutulan ng FICTAP ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa pagdagdag ng maraming channel sa iisang prangkisa. Naniniwala si Tamano na dapat ay isang channel lamang para sa isang prangkisa.

“Noong 16th Congress, noong nag-oppose kami sa franchise renewal, hindi umimik. Bakit noong 17th Congress hindi nila ginawa ang assignment nila? Bakit ngayong 18th Congress sila nag-refile at tsaka sasabihin nila na wala nang panahon, sasabihin nila na March 31 nang March 31 (ang expiration ng franchise),”
ani Tamano.



Banat pa ni Tamano, ang prangkisa daw ng ABS-CBN ay para lang sa test broadcast. Hindi din daw pwedeng mag-alok ng pay-per-view services ang ABS-CBN dahil ito ay free tv at hindi paid tv. Magugunita na noong 2015 ay nagbigay ng direktiba ang National Telecommunication Commission (NTC) sa ABS-CBN na ihinto ang pay television service sa digital terrestrial television (DTT) o TV Plus nito.

Ayon pa sa opisyal ng FICTAP, aabot sa 24,000 na empleyado ng kanilang 600 na miyembro ang maaapektohan sa operasyon ng ABS-CBN.

“Ang maaapektuhan ng ginagawa nila ‘yung employees namin, mawawalan ng trabaho. Bakit ganun, sila lang ang may 11,000? Kami ang mawawalan ng hanap buhay,”
buwelta pa ni Tamano.

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay posibleng makansela dahil sa quo warranto na inihain ni SOlicitor General Jose Calida sa Korte Suprema. Gustong makakuha ng ABS-CBN ng bagong legislative franchise pero ang mga panukalang batas para dito ay nakabinbin pa rin sa kongreso at hanggang ngayon ay hindi pa dinidinig.

1 comment:

  1. Your Affiliate Profit Machine is ready -

    And earning money online using it is as easy as 1...2...3!

    Follow the steps below to make money...

    STEP 1. Input into the system which affiliate products the system will promote
    STEP 2. Add PUSH BUTTON TRAFFIC (it LITERALLY takes JUST 2 minutes)
    STEP 3. See how the affiliate system explode your list and up-sell your affiliate products all by itself!

    Are you ready?

    Click here to launch the system

    ReplyDelete